跳到主要內容
Pangkalahatang Pananaw sa Pambansang Seguridad

Noong ika-15 ng Abril 2014, ipinakilala ni Pangulong Xi Jinping sa unang pangkalahatang pagpupulong ng Komisyon sa Pambansang Seguridad ang pangkalahatang pananaw sa pambansang seguridad, isang mahalagang estratehikong paraan ng pag-iisip na dapat sundin sa pangangalaga ng pambansang seguridad sa bagong sitwasyon. Noong 2015, itinalaga ng bansa ang ika-15 ng Abril ng bawat taon bilang Araw ng Edukasyon tungkol sa Pambansang Seguridad upang palaganapin at pagbutihin ang kamalayan ng publiko tungkol sa pambansang seguridad sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo at mga gawaing edukasonal na isasagawa paminsan-minsan.

Ang pangkalahatang pananaw sa pambansang seguridad ay isang konseptong may mga katangiang Tsino. Sakop nito ang higit sa sampung larangan, kasama na ang seguridad na politikal, seguridad sa loob ng bansa, seguridad na militar, seguridad na ekonomiko, seguridad na kultural, seguridad na panglipunan, seguridad na pang-agham at teknolohiya, cybersecurity, seguridad na pangkalikasan, seguridad ng mga pag-aaring yaman, seguridad nukleyar, seguridad ng mga interes sa ibayong dagat, at ilang sumusulpot na larangan katulad ng biosecurity, seguridad sa kalawakan, seguridad sa ilalim ng dagat at seguridad sa mga polo. Idiniriin ng pangkalahatang pananaw sa pambansang seguridad ang pangangailangang bigyang kahulugan at isabuhay ang pambansang seguridad mula sa isang malawakang pananaw at sa isang pangkalahatang paraan.

Ang gumagabay na prinsipyo ng pangkalahatang pananaw sa pambansang seguridad ay isang pagsulong mula sa tatlong aspekto ng seguridad ayon sa tradisyonal na pang-unawa. Ito ay ang nabanggit na seguridad na politikal, seguridad sa loob ng bansa at seguridad na militar. Bukod sa tatlong tradisyonal na larangan ng seguridad na ito, pinalalawak din nito ang pambansang seguridad upang isama ang iba pang mahalagang larangan at tinitiyak ang komprehensibong saklaw upang mapabuti pa ang higit na bisa sa pangangalaga ng pambansang seguridad, at sa pagpuno sa mga pangangailangan ng makabagong panahon upang mapangalagaan ang mga pangunahing interes ng bansa at ng seguridad ng mga tao.

Buod
Pinapakita ng pangkalahatang pananaw sa pambansang seguridad sa isang maikli at tumpak na paraan ang larawan ng “malakihang pambansang seguridad” sa malakihang antas. Maaaring ibuod ang pangunahin nitong konsepto at nilalaman bilang isang pangkalahatang layunin, limang mahalagang elemento, limang kaugnayan at higit sa sampung mahalagang larangan.